Friday, January 2, 2009

wala lang ^_^


Lagi kong naririnig nagiging jologs/baduy daw yung taong in love… sabi ko naman.. di bale nang maging jologs meron nman nagmamahal, eh sila ndi nga jologs mag isa naman hehehe… nasabi ko yun kasi feeling ko ganun ako… jologs hehehe ang sarap kaya nung feeling na merong nagmamahal sayo, meron nagke care sayo, merong nagbabawal sayo na gawin to o gawin yun, merong humahawi ng buhok na napupunta sa face mo, mga ganung simpleng gestures lang pero sobra namang nakakataba ng puso diba? Baket ganito sinasabi ko? WALA LANG!!! hehehe

Kagabi…nagtetext kami ni sweetie…mga simpleng I miss you at I love you lang pero nauwi sa seryoso at madramang usapan. Nabanggit ko kasi… what if… magsama na kami…hindi ko naman sinabing magpakasal na kami… gusto ko lang na lagi kaming magkasama…ewan ko ba somehow, I knew what he was goin’ to reply…”ndi ganun kdali un,kylangan ng panahon at oras” alam ko naman na hindi nga ganun kadali… maraming dapat i-consider…and alam ko rin na marami pa syang pangarap na gustong tuparin… at nahihiya pa sya dahil wala pa syang maipagmamalaki sa mga magulang namin. One factor I truly admire about Rhyan is that… he doesn’t think of his own happiness lang, lagi nya consider yun future at ibang tao…which is good diba? But then again, kung lagi mong iisipin ang sasabihin sayo ng ibang tao ano pang pwede mong gawin na hindi ka makakarinig ng negative comments? Wala… Nobody’s perfect, sweetie… gaya ng lagi kong sinasabi sayo… wag mong pansinin kung anuman ang maririnig mo sa ibang tao, dahil hindi naman sila ang bumubuhay sayo… hindi naman sa wala akong pakelam sa kanila… I just don’t give a shit about them, that’s all (hehehe parang same lang yun ah!)… kanya-kanyang buhay yan, kanya-kanyang trip, walang pakelamanan, ganun na lang!

Sabi ko…ndi naman ako nagmamadali sa relasyon namin, pero hindi ko sure kung kaya kong maghintay ng matagal… matanda na kasi ako… I know that he truly loves me, but I still need assurance from him… na ako lang talaga… ayokong mag promise sya na ako lang ang mamahalin nya, dahil sobrang sakit pag di yun nangyari, I hate promises becoz they’re meant to be broken…

Sabi mo…ndi mo alam kung pano mo susuklian ang pagmamahal na pinapakita ko sayo…

Sabi ko… ndi ko kelangan ng material things… just be with me hangga’t mahal mo pa ako, yun lang sweetie, masaya na ako… (cry ever na ako jan! grabe, tas si kc.. punas nya luha ko, pero di nya ako tinatanong kung baket ako umiiyak, siguro somehow ramdam nya na merong dramang nagaganap samin ni sweetie hehehe). I love you sweetie.

Masayang-masaya ako na ikaw ang boyfriend ko, sweetie… I’ve never been this happier… it really pays to wait no?! Ang galing talaga ni Lord.

Anjan na ako bukas! Wooooooohooooooooo na!!! ;)

yette ^_^.



1 comments:

Yhan n' Yette January 3, 2009 at 7:41 AM  

hehehe!^_^ kla ko ba ndi ka mrunong mg intro, ganda nman pla, kilig ak dun!hehehe.. sa ssunod ak nman mgssulat, i love you so much sweetie...

About Us

My photo
kami lang to! (yhan & yette) parehong mahilig sa music, movie buffs, couch potatoes, mahilig kumain, sweet, mahiyain,ganun lang...nagkakilala kami sa mundo kung saan ndi mo inaasahan na makatagpo ang taong mamamahalin mo at patuloy na mamahalin habang buhay...naks!!!

Blog Archive

Labels

  © Free Blogger Templates Photoblog III by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP