Tuesday, January 6, 2009

reminiscing

Sa kwentuhan namin ng mama ni sweetie, madami akong nalaman tungkol sa kanya. Kung paano sila nagsimula, anong buhay meron sila noon, how much they've suffered even when they were still very young and how much pain they’ve endured from their father (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)… but knowing all these doesn’t lessened my feelings for you, sweetie, in fact, it made me love you even more (uuuuy ngingiti... ahhhhh utu-uto!! hehehe). Totoo naman na muntik na ako maiyak sa kwento ng mama mo, sweetie… naawa kasi ako sayo, sa inyo… kasi naranasan mo na yung ganun mga paghihirap sa buhay kahit na bata ka pa… :’(

 Actually, ang buhay ng mga magulang natin hindi masyadong nagkakalayo… alam mo yun typical na may bisyo ang tatay, tapos nasa bahay lang ang nanay, nag-aalaga sa mga anak, tapos uuwi ng bahay si tatay na nakainom, aawayin si nanay, mag-aalsa balutan, uuwi sa bahay ng magulang, tapos susunduin ni tatay, mga ganun…cguro ang pagkaka iba lang natin eh yung ndi kami napagmalupitan ng tatay namin, dahil siguro puro kami mga babae. Naiiyak ako sa kwento ng mama mo sweetie, kasi naalala ko yung pinag daanan din ng nanay ko noon. Although hindi namin actual na nakita yung pag-aaway nila, nalalaman din namin pag nagkukuwento na si nanay ko sa amin.

 Haaaaaay, mahirap, makulay at masarap ang buhay, sweetie… lahat naman tayo dadaan sa ganyan, pero hiling ko lang kung saka-sakaling pagpalain tayo ni Lord na maging magkapalad pagdating ng panahon… hindi ko maranasan kung anu man yung mga naranasan ng mga magulang natin noon… we may encounter problems that may tarnish our feelings for each other but if we continue to love each other, respect one another, be faithful and trustworthy with each other, then I know, with God’s help we will overcome whatever trials or challenges we may encounter in the future…naks!!! dumudugo ang ilong ko sweetie, hehehe!!

 Tinanong ako ni mama mo kung gusto pa din ba kita kahit wala ka pang trabaho, narinig mo ba sagot ko, sweetie?! Sabi ko ‘OPO’ kasi hindi ko naman naging batayan ang estado mo sa buhay para mahalin ka. At saka naalala mo sinabi ko sayo few nights ago... hindi ka habang buhay na ganyan, magtutulungan tayo. 

Sweetie, I love you, for who you are, for what you are and for what I am when I’m with you… eeeeeewwww jologs to the highest level na to!! hehe…  


 

1 comments:

Anonymous,  January 8, 2009 at 11:24 AM  

Naks! jolo este sweet naman to the nth level duduguin ka with feelings...
Kidding aside hope you continue to find love and peace together namannn

Happy New Year or Happy should i say Happy Anniversary


Ninang Luv

About Us

My photo
kami lang to! (yhan & yette) parehong mahilig sa music, movie buffs, couch potatoes, mahilig kumain, sweet, mahiyain,ganun lang...nagkakilala kami sa mundo kung saan ndi mo inaasahan na makatagpo ang taong mamamahalin mo at patuloy na mamahalin habang buhay...naks!!!

Blog Archive

Labels

  © Free Blogger Templates Photoblog III by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP